October 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sandro Muhlach binatikos dahil sa paglalaro sa Family Feud; may nilinaw

Sandro Muhlach binatikos dahil sa paglalaro sa Family Feud; may nilinaw
Photo courtesy: Screenshot from Family Feud PH (YouTube)/Sandro Muhlach (IG)

Nagbigay ng pahayag si Sandro Muhlach kaugnay ng mga batikos na natanggap niya matapos pumutok ang balitang sumali siya bilang celebrity contestant sa Family Feud Philippines.

Inilabas ng GMA ang episode teaser ng Family Feud at maraming iba’t ibang komento ang mga netizen na nakapanood nito sa YouTube at Facebook post. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang isyu na kinaharap ng young actor at kinukuwestyon ng mga netizen na tila maayos na siya at masaya na sa kabila ng mga kontrobersiyang kinaharap.

Ayon sa mga bashers: “Di ba trauma siya? Bakit mag-guest pa sa GMA show!”

“Anong update sa kaso, bayad na ata kaya tahimik.”

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

“Case dismissed na.”

Samantala ang ibang tagasuporta naman ni Sandro ay bumwelta sa mga bashers nito at nagkumento ng:

“Ano ine-expect n’yo magmumukmok lang siya sa bahay nila feeling sad boy o kaya ay feeling depressed?”

“Mas masama kung yung 2 akusado ang makita mong maglaro at nakuha pang magsaya.”

“Ano masama sa guesting sya? Dapat ba lagi nlang syang depressed? Wla sya karapatan makaramdam ng saya o makipagsocialized?”

Sa panayam ng PEP kay Sandro, ang nasabing episode ay na-tape noong Hulyo 11, 2024, bago pa mangyari ang umano’y sexual harassment na kaniyang inireklamo laban sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz ng GMA-7 noong Hulyo 21.

Dagdag pa ni Sandro, nasaktan daw siya sa mga komento ng netizens na nakaya raw niyang maglaro gayong may kinahaharap pa siyang trauma sa nangyaring harassment sa kaniya.

Nagpahayag din ang 23-anyos na aktor na hindi pa niya alam kung kailan siya muling tatanggap ng acting projects matapos ang kaniyang “traumatic experience,” ngunit “very supportive naman po” ang kaniyang mga managers sa kaniyang kalagayan.

Matatandaang noong Hulyo 2024, nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network matapos umano siyang maging biktima ng sexual harassment.

Mariah Ang