October 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maqui, rumesbak para kay Robi; kinuyog dahil sa gusto nang magka-anak

Maqui, rumesbak para kay Robi; kinuyog dahil sa gusto nang magka-anak
Photo Courtesy: Robi Domingo (IG)

Hindi pinalampas ni Maiqui Pineda-Domingo, asawa ni Kapamilya TV host Robi Domingo, ang mga bashing na natanggap ng kaniyang mister matapos mag-post ito ng video na umiiyak dahil sa kagustuhang magkaanak.

Maraming netizens ang bumatikos kay Robi, sinasabing tila sinisisi pa nito ang kanyang misis, na kasalukuyang may sakit, dahil hindi pa sila nagkaka-anak.

Sa kanyang Q&A sa Instagram, nilinaw ni Maiqui na wala silang problema sa post ni Robi. Aniya, "No issues at all... It's both our goals, our plans, and our wishes but we acknowledge the reality of things, and have chosen to trust in God's plans and timings instead." Dagdag pa niya, "But we are hopeful! Just have to wait a bit and do some work for now."

Robi Domingo | Today I turn 35. (Part 2) I don’t ask for much, but this is one wish I hope it will come true. I think I’m ready for it... in His… | Instagram

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Sa nabanggit na video, umani ng reaksiyon sa mga netizen ang birthday wish ni Robi na sana raw ay magkaroon na sila ng anak ni Maqui. Marami sa mga netizen ang nakiisa sa pagdarasal ng wish ni Robi, subalit marami rin ang nagsabing insensitive ito, lalo na sa kalagayan ngayon ni Maqui.

Sa ngayon ay nabigyang-linaw ni Maqui na hindi naman pala siya na-offend sa birthday wish ng kaniyang mister na si Robi.

Magpahanggang ngayon ay nakikipaglaban sa isang bihirang sakit na autoimmune ang maybahay ni Robi.

Mariah Ang