October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lantaran na! Kim at Paulo, naispatang nagbibisikleta together

Lantaran na! Kim at Paulo, naispatang nagbibisikleta together

Kinakiligan ng KimPau fans ang mga kumakalat na larawan nina Kim Chiu at Paulo Avelino habang magkasamang nagbibisikleta, na ibinahagi ng isang entertainment site mula sa isang source na nagngangalang "Ian."

Makikitang komplete ang gear at outfit nina Kim at Paulo habang nakasakay sa bisikleta.

Usap-usapan ang umano'y rumored relationship ng dalawa na nagsimula raw umusbong nang magkasama sila sa unang teleseryeng pinagtambalan, ang "Linlang," na talaga namang pumatok sa mga manonood at naging dahilan pa para maparangalan si Kim bilang "Outstanding Asian Star" sa naganap na 2024 Seoul International Awards, na ginanap mismo sa South Korea.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, tinanggap na ang 'Outstanding Asian Star' award sa South Korea

Relasyon at Hiwalayan

Jericho Rosales, ibinahagi sweet 'birthdate' ni Janine Gutierrez

Nasundan pa ang kanilang tambalan ng Philippine adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" na isang South Korean series.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Happy kayo, happy kami!"

"Ganda talaga bonding nila from running to sabay sa gym to biking."

"Gusto ko mga ganitong posts. Mga positive lang."

"Sna kht wla na cla movie or show gnyan prin cla."

"Bagay naman sila and pareho namang single so go lang."

Samantala, wala pang reaksiyon ang KimPau patungkol sa mga kumakalat na larawan nila.