October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jericho Rosales, ibinahagi sweet 'birthdate' ni Janine Gutierrez

Jericho Rosales, ibinahagi sweet 'birthdate' ni Janine Gutierrez
Photo courtesy: Jericho Rosales (IG)

Sweet na sweet na ibinahagi nina Lavender Fields stars Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang umano’y 35th birthday celebration ng aktres.

Sa isang Instagram post ni Jericho noong Miyerkules, Oktubre 2, 2024, ibinahagi ni Jericho ang ilang litrato nila ni Janine na tila dumayo sa National Museum at Intramuros sa Maynila.

“Happy birthday to my museum / tabing-ilog date,” saad ng aktor sa caption.

Sa comment section naman idinaan ni Janine ang kaniyang pasasalamat kay Jericho.

Relasyon at Hiwalayan

Lantaran na! Kim at Paulo, naispatang nagbibisikleta together

“I’m so happy thank youuuuuu,” ani Janine.

Matatandaang noong Agosto, 2024 nang aminin ni Jericho sa ABS-CBN News na dating umano ang real score ng dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'

Kasalukuyang mapapanood ang dalawa sa hit teleserye na Lavender Fields na mapapanood sa Kapamilya channel at Netflix. 

Kate Garcia