October 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Carmina, bumwelta sa mga nagsasabing matapobre, pakialamera siyang ina

Carmina, bumwelta sa mga nagsasabing matapobre, pakialamera siyang ina
Photo Courtesy: Screenshots from PEP (YouTUbe channel) via Arniel C. Serato

Sumagot si Kapuso actress-TV host Carmina Villarroel sa mga batikos na natatanggap ng kaniyang pamilya, lalo na sa kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi, sa naganap na media conference para sa GMA afternoon seryeng "Abot Kamay na Pangarap" na malapit nang magtapos.

Matatandaang naisyu ang pagiging "matapobre" at "pakialamera" daw ni Mina pagdating sa love life ng mga anak, matapos nilang ma-link kina Kyline Alcantara at Darren Espanto.

Sa presscon ng "Abot-Kamay Na Pangarap," Pinasalamatan ni Carmina ang kaniyang mga anak sa pagtatanggol sa kaniya. Aniya, normal na ipagtanggol ang pamilya, lalo na kapag may intriga, at ipinakita nito kung gaano katibay ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya.

Sa panayam ng PEP, sinabi ni Carmina na naappreciate daw niya ang mga anak sa pagtatanggol sa kaniya laban sa bashers.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ayon kay Carmina, "Siyempre, I think it's a normal thing to do, 'no?

"Siyempre kung nanay mo or kapatid mo, anak mo, of course you would defend your loved ones, di ba?

"So, I guess, it's just a normal feeling.”

"And I appreciate my son. I appreciate my daughter. I appreciate my family.”

"Because through thick and thin, makikita mo naman talaga yung pagmamahal namin, it's just overflowing.”

Itinanggi rin ni Carmina ang mga paratang na siya'y pakialamera o matapobre, gaya ng mga kumakalat na tsismis. Ayon sa kanya, tila may mga tao lang talagang gustong sirain sila ngayon. Nakakalungkot daw na ang social media, kahit walang sapat na ebidensya, ay mabilis pinaniniwalaan ng mga tao.

Aniya, “It's just so sad na people... parang may misconception lang.”

"Kasi katulad nga nung sinabi ko, antagal ko na sa industriya, yung mga nakasabayan kong artista, or press, or yung mga fans ko ever since, you guys would know.

"Kasi, di ba? Noong nagsisimula pa lang ako, nagsisimula pa lang..

"Ang point ko lang, ganito lang po yun. Kung masama akong tao, kung sinasabi nila, matapobre ako, or pakilaamera ako, o ganito-ganito, na dapat noon pa, di ba?

“Dapat noon pa, natsismis na yan, na masama akong tao, na ganito-ganito.But if you look back, yung mga chismis, wala kang may kitang ganun. I'm not saying I'm perfect. Nobody's perfect.Pero wala kang maririnig sa akin na diva ako, na matapobre ako.

"Ngayon na lang, or last year na lang ito."

Dagdag pa ni Carmina, "So, and only, I don't wanna say it, I don't wanna think about it, but parang lumalabas lang na meron lang gusto talagang manira sa akin at sa pamilya ko.”

"It's just so sad na ang social media ngayon, may nabasa lang, may napanood lang, papaniwalaan na kaagad without really identifying or without really researching or knowing the truth o yung pinagsimulan ng video… Na parang ngayon talaga, papaniwalaan nila kung ano yung gusto mong paniwalaan.”

Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y hiwalayan nina Mavy at Cassy, at siya raw ang isa sa mga dahilan. Pinag-usapan pa ang umano'y parinigan nina Carmina at Kyline sa isa't isa, sa pamamagitan ng cryptic posts.

MAKI-BALITA: Carmina Villarroel, pumalag sa mga umiintriga sa cryptic posts niya

Sa ngayon ay tila masaya na ulit ang love life ni Kyline dahil hindi man direktang inaamin ay mukhang may espesyal na pagtitinginan na sila ng celebrity basketball player na si Kobe Paras. 

MAKI-BALITA: 'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!'

Samantala, masaya pero malungkot din si Carmina sa nalalapit na pagtatapos ng number one afternoon series. Hinihikayat niya ang mga manonood na huwag bibitiw dahil marami pang pasabog ang huling dalawang linggo ng serye.

Mariah Ang