December 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Senatorial aspirant, isusumpa ang Comelec kapag dinisqualify ulit siya sa ikaapat na pagkakataon

Senatorial aspirant, isusumpa ang Comelec kapag dinisqualify ulit siya sa ikaapat na pagkakataon
Photo courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Isusumpa raw umano ng senatorial aspirant na si Bethsaida Lopez ang Commission on Elections (Comelec) kapag dinisqualify ulit siya nito sa ikaapat na pagkakataon.

Emosyunal si Lopez nang maghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) bilang senador ngayong Miyerkules, Oktubre 2, sa The Manila Hotel Tent City.

Ayon kay Lopez, tatlong beses na umano siyang tumatakbong senador ngunit lagi raw siyang dini-disqualify ng Comelec dahil umano sa pagiging mahirap.

"Ikatlong beses ko na itong tumatakbong senador ng ating bansa... Nakakalungkot. Gagawa ako ng kabutihan para sa bansa pero dini-disqualify ng Comelec dahil sa pagiging mahirap. Masyadong minamata ang isang mahirap," emosyonal na sambit ni Lopez.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Kaya naman kapag dinisqualify pa raw siya ng Comelec sa pagkakataong ito ay idedeklara raw niya ito bilang “pinakawalang kuwentang ahensya ng gobyerno.”

"Kapag hindi ako pinatakbong senador ng Comelec, lahat ng mga taong involved na ako ay i-disqualified sa pagiging mahirap, ay isinusumpa ko ang mga taong 'yon at idedeklara ko na pinaka wala kayong kuwentang ahensya ng gobyerno," saad ni Lopez.