November 05, 2024

Home BALITA Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline
Photo courtesy: Firstpost (YouTube)

Kakaibang "fountain" ang sumalubong sa ilang motorista sa Nanning sa Guangxi, China matapos sumabog ang bagong sewage pipe na naglalaman umano ng mga dumi ng tao. 

Nagkalat pa rin sa social media ang iba’t ibang video mula sa dashcam ng mga apektadong motorista kung saan makikita ang mataas na pagsabog ng pipeline na aabot umano sa 10 metro ang taas na sinabayan ng kulay putik na tubig na may kasamang dumi ng tao. Naglalaglagan ang mga ito sa sasakyan at ilang pedestrian sa paligid. 

Ayon sa ulat ng ilang media sa China, bagong install umano ang septik tank na pipeline, na kasalukuyan umanong isinasailalim sa pressure test nang sumabog ito. Halos balutin ng dumi ng tao ang kalsada at ilang windshield ng mga dumadaan sa lugar. 

Agad umanong nagkasa ng malawakang cleanup operation sa apektadong area kung saan umabot ang pagsabog. 

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

Samantala, wala naman daw naiulat na nasaktan sa naturang insidente. 

Kate Garcia