October 03, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kylie, sinagot netizen na sana raw magkabalikan sila ni Aljur

Kylie, sinagot netizen na sana raw magkabalikan sila ni Aljur
Photo courtesy: Kylie Padilla (IG)/Aljur Abrenica (IG)

Tumugon ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang Instagram post, na sana raw ay magkabalikan na sila ng tatay ng mga anak niyang sina Alas at Axl.

Nag-post kasi si Kylie patungkol sa children's month kaya flinex niya ang dalawang junakis nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

Aniya, "It’s children’s month and I would love any reason to celebrate the two angels of my life. Last night we went to sleep in our own rooms and they came to kiss me goodnight. Alas, the thoughtful boy that he is noticed I didn’t have my usual cup of water on my side table and he went to get me one on his own volition."

"The sweetest thing Axl who is still my shadow continues to follow me around everywhere and keeps telling me he wants to breastfeed again huhu. I keep thinking to myself it is possible to command my body to produce milk again lol that was my favourite part of the infant stage too. Who knew I would find my soulmates in my two boys hearts. We are the three musketeers for life."

Relasyon at Hiwalayan

Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan

Sa comment section ng post, isang netizen ang umeksena.

"Sana magkabalikan po kayo ng tatay nila," aniya.

Simpleng tugon naman ni Kylie, "no thanks. We good."

Pinagalitan naman ng mga kapwa netizen ang commenter dahil daw sa pagiging insensitive niya.

"wag ipiilit ang Di na pwede it would be toxic."

"ok na po cla sa ganyang set up may peace of mind at happy nmn na cla kaya maging happy nlng din tayo pra kay miss kylie"

"how can someone ask this if Yong ISA eh NASA kandungan na Ng iba?"

"so insensitive of you to say that"

Samantala, may kani-kanila na rin silang mga karelasyon. Sina Aljur at AJ Raval ay hayagan na rin ang relasyon habang si Kylie naman ay may non-showbiz jowa na rin.

MAKI-BALITA: Aljur, may sorpresang 'pasabog' sa anniversary nila ni AJ

MAKI-BALITA: Kylie Padilla, umaming taken na!