October 11, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Isang fast-food chain, nag-hire ng lola para bumati ng customers?

Isang fast-food chain, nag-hire ng lola para bumati ng customers?
Photo Courtesy: cayeeeherrera via The Big News/FB

Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post tungkol sa isang lola na hinire umano ng isang fast-food chain para batiin ang mga customers.

Sa Facebook post ng “The Big News” kamakailan, ibinahagi nito ang post ng netizen na may username na “cayeeeherrera.”

Ayon sa nasabing viral post ang fast-food diumano ay nag-hire ng senior citizen para batiin umano ang mga customers na pumapasok sa loob.

“A Senior Citizen was hired and her job is to greet people who enters Chowking [SM Novaliches],” ayon sa netizen. 

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Dagdag pa niya, nakausap niya si nanay at masaya naman daw ito sa kaniyang apat na oras na trabaho.

“Had a small talk with Nanay, and she said, she works for 4hrs and masaya sa ginagawa niya. Ang cute.”

Umani naman ng mga positibong komento mula sa mga netizen ang post na ito: 

“Kudos to chowking branch! At least you’re making her special at her age. It’s rare to see a company that hires senior. So this is above and beyond at Dapat po kayong tularan. God bless you more” 

“Ganyan mga work ng Senior Citizen sa Canada. Nice naman na adapt na rin dito sà Pinas”

“Sana marami pang ganitong opportunities for them lalo na kung ang mga anak ay nagmamalaki na sa magulang.”

“THIS , I hope companies especially the big ones implement this cause this would be a great help for the old whom think they have nothing to do anymore and felt lonely, and also especially To those homeless people, you know those people who'll greet you while entering establishment even tho they're dirty and ain't working there just to have some spare change, I think they will be suit in this kind of Job”

“Yes…indeed…no age limits when it comes to this matter…sa angeles area sa pampangga no doubts na madaming kagaya ni nanay na masayang nagwowork sa chowking..”

“YES IF KYA PA ,,YAKANG YAKA.  PWEDE HIRED.. GANYAN SA IBANG BANSA KAHIT MY EDAD IF PWEDENG MKATULONG SA MGA SENIOR AT KAYA PANG MAG WORK”

“dpt talaga bigyan priority mga senior sa atin kc sa ibang bansa binibigyan pdin sila ng trabaho na ndi nman gaano kabigatan para may pang-tustos pdin sila sa sarili nila halimbawa nlng sa kakainin o gamot pang-maintenance nila sana mag-tuloy2 yung ganyan sa pinas kc karamihan ng senior sa atin madalas nagtitinda sa tirik ng araw minsan nga nanlilimos pa kpg sila napasok ng ganyang klase ng trabaho tataas ang confidence nila at ng ibang mga senior sa atin sana talaga marami pa ang mag-hire ng ganyan sa mga senior ntin d2 sa pinas kc d2 sa amin sa rizal meron din senior na nagtratrabaho sa ganyan KFC nman yung senior na nakita ko na nagtratrabaho d2 sa amin”

Sa ngayon ang nasabing FB post ay mayroon na itong 25K reactions, 165 comments at 3.1K shares. 

Mariah Ang