July 24, 2026

Home BALITA Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!
Photo courtesy: via Manila Bulletin

May pahaging si labor leader at dating presidential candidate Ka Leody De Guzman laban kay Sen. Robin Padilla matapos maglabas ang senador ng pahayag kaugnay ng usapin ng hustisya at impeachment.

Sa Facebook post nitong Huwebes, Hulyo 23, 2026, ibinahagi ni Padilla ang kaniyang pananaw hinggil sa papel ng prosekusyon at depensa sa ilalim ng batas.

"Ang hustisya po ay neutral! Ang tungkulin ng prosecution (piskal) ay hindi para manalo, kundi para sa katotohanan at proteksyon ng inosente. Ang tungkulin naman ng defense (tagapagtanggol) ay ang pagtiyak sa karapatang pantao at balanse sa proseso ng batas,” ani Padilla. 

Kasunod nito, ibinahagi ni Ka Leody ang screenshot ng naturang post at nilagyan ito ng maikli ngunit matalas na komento.

"Sabi nga nila. Always be a better version of yourself. Kung tanga ka kahapon. Mas tangahan mo pa ngayon," saad ni De Guzman sa kaniyang Facebook post nito ring Huwebes.

Politics

Utol ni Sen. Alan, bet makipagtulungan kay Sen. Ping tungkol sa 'ghost project' sa Taguig!

Hindi naman direktang binanggit ni Ka Leody ang pangalan ni Padilla sa kaniyang komento, ngunit kalakip ng kaniyang post ang screenshot ng mensahe ng senador.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na tugon si Padilla hinggil sa naging reaksiyon ni De Guzman.

Patuloy namang pinag-uusapan sa social media ang palitan ng pahayag ng dalawang personalidad, lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na mga usaping may kaugnayan sa impeachment proceedings.