October 03, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)/Pia Wurtzbach (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang ulat ng isang entertainment site kung saan naispatang tila hindi na raw magka-follow sa isa't isa sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa Instagram accounts nila.

Saad sa Fashion Pulis, kung bibisitahin daw ang Instagram accounts ng dalawa ay mapapansing naka-unfollow na ang isa't isa.

Binisita ng Balita ang kani-kanilang Instagram accounts at wala nga ang isa't isa sa kanilang following list.

Photo courtesy: Screenshot from Pia Wurtzbach-Jauncey (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Heart Evangelista (IG)

Tanong tuloy ng mga netizen, sino raw ba ang nag-first move?

Tsika at Intriga

Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M

"So who unfollowed first?"

"It's about time! That's good Heart!"

"Dapat lang no! If I were Heart matagal ko na ginawa yan."

"Go, go, go Pia!"

"Salamat pia at na unfollow na rin yong drama queen"

Matatandaang hindi pa rin matapos-tapos ang pagsasabong sa kanilang dalawa, lalo't pareho silang aktibo sa fashion scenes sa ibang bansa.

Subalit nag-ugat ang "girian" sa pagitan ng dalawa nang mapabalitang kinuha ni Pia ang nakaalitang dating glam team ni Heart.

Kamakailan lamang ay nagkrus ang mga landas nila sa isang fashion show subalit walang balita kung nag-usap o nagpansinan ba sila.

MAKI-BALITA: Heart at Pia, nagkrus mga landas sa isang fashion show?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng dalawa tungkol sa isyu.