October 02, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan

Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan
Photo courtesy: via Chicka, The Scoop (FB)

Kumakalat sa social media ang ilang screenshots ng umano'y makahulugang pagre-repost sa TikTok ng non-showbiz girlfriend ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings na si Jam Villanueva, na hinuhulaan ng mga netizen kung may kinalaman ba sa napababalitang "hiwalayan" nila.

Sa episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Huwebes, Setyembre 26, napag-usapan nina Ogie Diaz at co-hosts ang mga kumakalat na larawan ni Anthony kasama ang katambal na si Maris Racal, gayundin ang napababalitang love birds na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Dito ay naitanong na rin ni Ogie kung totoo raw ba ang nasagap niyang tsikang talagang hiwalay na si Anthony sa jowa nito.

“Ang balita—hindi ko naman alam, sana hindi totoo naman—kakabreak lang daw ni Anthony Jennings sa kaniyang girlfriend,” saad ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

Donnalyn Bartolome, bet na bet si JM De Guzman 'pag bagong ligo

“Pero hintayin natin. Baka naman hindi lang sila nagpo-post madalas. O hindi sila nagpo-post at all ng kasama ang isa’t isa,” wika pa niya.

Sundot na tanong pa ni Ogie, “Totoo ba ‘yon? Naku, pakilinaw nga kung totoong split na si Anthony Jennings sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva."

Sa Facebook page naman na may pamagat na "Chicka," makikita ang ilan sa mga umano'y screenshots ng reposted TikTok videos ni Jam na tila makahulugan at sinasabing may pinatatamaan.

Mababasa sa caption ng post, as published: "MGA MARE, MAINIT-INIT PA!"

"Usap-usapan ngayon sa social media ang mga nire-repost na cryptic posts sa TikTok ng non-showbiz girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva."

"'I will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about.' 'I will never forget the way how I gathered my remaining strength to take screenshot while shaking badly from pain. 'The audacity to act like nothing happened as if they never disrespect and hurt people.'"

Photo courtesy: Screenshot from Chicka (FB)

As of this writing ay may 864 shares na ang post na ito at nagsisimula na ngang maging viral at pag-usapan. 

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng post.

"Another 'time is the ultimate truth teller.'"

"I think this is another entry of 'time is the ultimate truth teller.'"

"Naku anong meron hahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Anthony o maging ang sinasabing non-showbiz GF niyang si Jam patungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.