October 01, 2024

Home BALITA National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'
Photo Courtesy: Abby Binay,Nancy Binay (FB)

Nagbigay ng pahayag si Senador Nancy Binay kaugnay sa posibleng kandidatura ng asawa ni Mayor Abby Binay na si Makati Rep. Luis Campos bilang alkalde ng nasabing lungsod.

Sa panayam ng media kay Nancy nitong Martes, Oktubre 1, sinabi niya na malungkot daw siya dahil wala silang puwang para magkausap ng kaniyang kapatid. Pero mas mangingibabaw pa rin daw ang pagiging pamilya nila.

“Pamilya pa rin kami,” naiiyak na sabi ni Nancy. “Mas mangingibabaw ‘yong pagiging pamilya namin.”

Dagdag pa ng senadora: “Hindi ko kalaban ang kapatid ko. Walang Abby Binay sa balota. So, hindi kami magkaaway.”

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Nag-file ng certificate of candidcay (COC) si Nancy bilang alkalde ng Makati sa Barangay Valenzuela Community Hall bago mag-alas-diyes kaninang umaga. 

Posible niya umanong makalaban sa nasabing pwesto ang kaniyang bayaw na si Campos.