October 03, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw
Photo Courtesy: McCoy De Leon (IG)

 Ibinahagi ni “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon ang serye ng mga larawan ng karakter niyang si “David” sa nasabing primetime series ng ABS-CBN.

Sa latest Instagram post ni McCoy nitong Lunes, Setyembre 30, makikita kung anong klaseng outfil ang suot niya bago gumawa ng krimen sa “Batang Quiapo.”

"Picture muna bago nakawin ang yaman ng mga Caballero," saad ni McCoy sa caption.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

Laro! Pinky Amador, luminya ng 'shiminet' sa Abot Kamay na Pangarap

"Kelan ka ba mamamatay david"

"Ang pogiii naman yannnn"

"Nakakagigil talaga ang David na ito,dimo pa alam nasaksak ang nanay mo"

"Naku David pakabait ka riyan ee,.para dika mamatay Wala Ng pang stress sa Amin eh napaka galing ba Naman ere umakting ba "

"Enjoy mo lang david pashout out naman jan idol @mccoydeleon"

"Enjoy mo lang david pashout out naman jan idol @mccoydeleon"

"Chillax lang palagi Ang mag ina mo idol"

Matatandaang noong Hulyo ay nagbahagi rin si McCoy ng larawan kalakip ang mensahe para sa mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: David sa mga tumatangkilik ng 'Batang Quiapo:' 'Hindi pa tayo tapos!'