October 01, 2024

Home FEATURES Human-Interest

LIST: Coffee shops na may promo ngayong International Coffee Day!

LIST: Coffee shops na may promo ngayong International Coffee Day!
(unsplash)

Alam mo ba na sa bawat tasa ng kape, hindi lang tayo naglalakbay sa mga paborito nating coffee shops—tayo rin ay sumasali sa pandaigdigang selebrasyon ng pagmamahal sa kape! 

Ngayong International Coffee Day, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang paboritong inumin ng marami, kundi pati ang mga magsasaka at nagtatanim ng kape.

Binibigyang halaga ang diversity, quality, and passion ng coffee sector, at ngayong buwan, maraming coffee shops ang nag-aalok ng promos at espesyal na alok upang mas mapalapit tayo sa minamahal nating kape.

Narito ang ilang coffee shops na nagbibigay ng promos ngayong International Coffee Day:

Human-Interest

Guro sumakay ng tramline para makatawid sa rumaragasang ilog, makapasok sa paaralan

1. Tim Hortons

Two large drinks for P190 to P255, covering iced coffee, hot dark roast, and iced/hot French vanilla.

Valid sa dine-in, take-out, delivery, and pick-up mula September 30 hanggang October 2.

2. Cinabbon Philippines 

25% discount sa lahat ng inumin (hot or cold) on October 1.

Available sa piling Cinnabon stores lamang.

3. 7-11 Philippines 

Espesyal na deals sa mga coffee-based na inumin kagaya ng Kopiko Lucky Day, UCC coffee, and Oatside.

Promo validity hanggang October 15.

4. Toby’s Estate

Buy 1 Take 1 coffee promo on October 1, maaaring ma-redeemable sa pamamagitan ng pagpresent ng voicher mula sa kanilang loyalty app. 

Exlusibo lamang para sa mga customers na nagdownload at gumagamit ng Toby's Estate app.

5. Krispy Kreme

Free Upsize sa kahit anong kape mula Monday to Thursday para lamang sa mga mayroong OG Card!

6. Seattle’s Best Coffee

Buy 1 Get 1 offer sa kanilang refreshing Iced Coffees.

Available in: Iced Americano, Iced Latte, and Iced Mocha! Hanggang ngayon lamang! October 1.

7. Auntie Anne's 

Free coffee upgrade sa kahit anong Fresh Combo mula September 30 hanggang October 4, kasama na rin ang mga inumin na americano, café latte, and cappuccino.

Available for both dine-in and take-out at participating branches.

---

Coffee lover ka ba? edi hinto muna tayo sa tabi at tara, Kape tayo. Happy International Coffee Day, ebriwan!

Mariah Ang