October 01, 2024

Home BALITA Eleksyon

Lacuna at Servo, sabay na maghahain ng COC sa Oktubre 3

Lacuna at Servo, sabay na maghahain ng COC sa Oktubre 3
photo courtesy: Asenso Manileño

Magkasabay na maghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang magka-tandem at reelectionists na sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa Huwebes, Oktubre 3.

Nabatid na ihahain nina Lacuna at Servo ang kanilang kandidatura sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga at alas-12:00 ng tanghali sa SM Cinema 12 sa SM Manila.

Ang gagawing pagtakbo nina Lacuna at Servo ay para sa kanilang ikalawang termino bilang alkalde at bise alkalde ng Maynila.S

Napag-alamang na sa anim na incumbent Congressmen sa Maynila, lima umano ang nananatiling kaalyado nina Lacuna at Servo.

Eleksyon

LIST: 17 senatorial candidates at 15 party-lists na naghain ng COC at CONA ngayong Oct. 1

Kabilang dito sina Congressmen Rolan Valeriano, Joel Chua, Edward Maceda, Irwin Tieng at Benny Abante.

Lahat naman sila ay naghahangad ng re-election maliban kay Maceda, na papalitan ng kaniyang maybahay na si Dr. Giselle, dahil natapos na niya ang kaniyang ikatlong termino.