October 02, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Donnalyn Bartolome, bet na bet si JM De Guzman 'pag bagong ligo

Donnalyn Bartolome, bet na bet si JM De Guzman 'pag bagong ligo
Photo Courtesy: Donnalyn Bartolome (IG)

Nagpaabot ulit ng pagbati ang social media personality na si Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ng jowa niyang si JM De Guzman.

Sa latest Instagram ni Donnalayn nitong Lunes, Setyembre 30, ibinuking niya ang sarili kung kailan niya bet na bet ang kaniyang aktor na jowa.

“Before your birthmonth ends, happy birthday againn Juan Miguel~ I’m so proud of you!” panimula ni Donnalyn. 

“I pray for your happiness, peace and for you to receive all the blessings you so much deserve. I adore you!! Lalo pag bagong ligo,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan

Tila kinilig naman ang maraming netizens sa mensahe ni Donnalyn kay JM. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang cute nyo!!! Grabe ha 21days Hahaha pero worth it nman! Thank you donskiee praying na forever na kayo ni Juan Miguel, gang dulo na to!!!"

"So sweet Donjuan my happy pill, next vlog na please hehe"

"Ang kyut niyo "

"Bagay kayo, pls wag na kayo mag hiwalay "

"Ang sweet grabe. "

"Ayiieee kinilig na naman Ang tulad Kong 49 y/o stay happy n inlove enjoy your love journey bagay kayo Kasi parehong mabuting tao at Ang Ganda at pogi"

"Wahhhh!!! My Heart!!!"

"Ganito mag bati si donn patapos "

Matatandaang Setyembre 9 pa talaga ang birthday ni JM at 36 na taong gulang na siya.

KAUGNAY NA BALITA: JM De Guzman, nanalo na sa puso ni Donnalyn Bartolome