October 02, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Desidido na 'ko!' Coco Martin, tatakbo kaya may pa-official announcement?

'Desidido na 'ko!' Coco Martin, tatakbo kaya may pa-official announcement?
Photo courtesy: Screenshots from Coco Martin (TikTok)

Usap-usapan ang "press conference" ni "FPJ's Batang Quiapo lead star-director Coco Martin na mapapanood sa kaniyang bagong gawa at opisyal na TikTok account, na inupload nitong araw ng Lunes, Setyembre 30, isang araw bago ang unang araw ng pagbubukas ng filing ng certificate of candidacy (COC) nitong Martes, Oktubre 1.

Sa kaniyang unang TikTok entry, tila seryoso si Coco nang humarap siya sa kunwari ay media para i-anunsyo ang isang mahalagang desisyong ginawa niya para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya at mga Pilipino.

"Matagal ko pong pinag-isipan ito at ngayon desidido na ako. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan ng aking pamilya at sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino."

"Maraming mga taong kumakausap sa akin, maraming mga taong kumukumbinsi at ngayon desidido na ako. Kayo ang kauna-unang makakaalam nito, ako si Coco Martin -- nasa TikTok na!"

Tsika at Intriga

Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M

"Kaya ano pa ang hinihintay niyo i-follow n'yo na ako," maya-maya ay nakangiti nang hirit ni Coco.

Inakala naman ng mga netizen na anunsyo ito ng pagtakbo niya sa politika.

"gulat ako kung 'Coco Martin for senator' na hahahaha"

"Akala namin kung ano na haha."

"Hahaha, welcome sa TikTok Coco!"

"Verified agad-agad ang TikTok mo ah hahaha nice.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumalo na agad sa million views ang kaniyang unang video entry.