September 30, 2024

Home BALITA Eleksyon

Vilma Santos, 2 pang anak posibleng pamunuan ang buong Batangas?

Vilma Santos, 2 pang anak posibleng pamunuan ang buong Batangas?
Photo Courtesy: Screenshots from One PH (YT)

Hindi lang daw pala si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang tatakbo sa darating na midterm elections ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Setyembre 30, sinabi ni Cristy na kasama rin ni Vilma sa pagkandidato ang dalawa pa niyang anak na sina Luis  Manzano at Ryan Christian Recto.

“Ang Star fo All Seasons Vilma Santos tatakbong gobernador [ng Batangas]. Si Luis Manzano ang kaniyang katambal bilang vice-governor at si Ryan Christian ang tatakbong kinatawan sa 6th district,” saad ni Cristy.

Nakakatuwa kasi ‘yong mag-iina isipin mo na lang ‘to ‘pag nangampanya,” wika naman ng co-host niyang si Romel Chika. “Makikita mo paano magmahalan; ‘yong samahan ng mag-iina ang makikita mo rito; ‘yong pamilya na makikita mo na gusto magsilbi sa kanilang constituents.”

Eleksyon

Sylvia Sanchez, sasabak na nga rin ba sa politika?

Sa kasalukuyan, bagama’t matagal nang umuugong ang tungkol dito, wala pang inilalabas na pahayag ang mag-iina upang kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing tsika.