October 01, 2024

Home SHOWBIZ

Thea Tolentino, Kate Valdez namamalik-mata rin daw sa isa't isa

Thea Tolentino, Kate Valdez namamalik-mata rin daw sa isa't isa
Photo Courtesy: Thea Tolentino (FB)

Ibinahagi ni Thea Tolentino ang picture niya kasama ang kaniyang kapuwa Kapuso actress na si Kate Valdez.

Sa latest Facebook post ni Thea nitong Linggo, Setyembre 29, sinabi niya na pati raw sila ni Kate ay namamalik-mata rin sa isa’t isa dahil tila pinagtiyap ang kanilang mga mukha.

“Bilang litong-lito kayo at minsa'y kami'y namamalikmata narin. Hi from me and Kate Valdez ” saad ni Thea sa caption ng post.

Hirit naman ni Kate sa comment section: “Hahahaha pwede na mag clone sakin whahahah Thea Tolentino”

Relasyon at Hiwalayan

'Upgrade malala?' Celeste Cortesi hinard launch bagong jowang afam

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang sey:

"gaganda naman po "

"hawig nga sila "

"Magkamukha PO kau"

"Parang kambal"

"Yes totoo dati nagugulohan talaga Ako "

"gma 7 gawan na ng twin role yan pero dapat sila leading"

"Ganda magkamukha"

"Gandang Ganda Ako KY thea pag sinkate napapanuod ko kala ko din sinthea nakkaamiss Yung pagiging kontrabida ni thea."

Matatandaang sa isang artikulo ng Balita na inilathala noong Abril ay kabilang sina Kate at Thea sa listahan ng 12 Filipino celebrities na parang pinagbiyak na bunga.

MAKI-BALITA: Kilalanin: 12 Filipino celebrities na parang pinagbiyak na bunga