October 01, 2024

Home SHOWBIZ

KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top

KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top

Pinagpiyestahan ng netizens ang tila new fashion style ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kung saan pak na pak siyang nag-pose habang nakasuot ng crop top.

Sa isang Instagram post kasi ni Caloy noong Linggo, Setyembre 29, 2024, ipinasilip niya ang kaniyang “Outfit Of The Day (OOTD) habang nasa bakasyon sa Seoul, South Korea.

Ang nasabing outfit post kasi ni Caloy, ay tila malayo umano sa karaniwan niyang style at maskuladong pangangatawan, kaya naman hanggang ngayon ay tila hindi pa natatapos ang “comment entries” ng netizens tungkol dito.

Kaya naman mula kay Olympic champion Carlos Yulo, narito pa nga ang ilang male personalities na game na game na nagsuot ng crop top para sa kanilang personal at ilang media projects.

Thea Tolentino, Kate Valdez namamalik-mata rin daw sa isa't isa

KYLE ECHARRI

Tila si Kyle Echarri ang pangalang naunang ungkatin ng netizens matapos ibida ni Caloy ang kaniyang crop top OOTD. Matatandaang, nauna nang yanigin ni Kyle ang fans at netizens nang kaniyang i-post ang larawan suot ang crop top habang revealing abs ng aktor.

“Now I know why y’all love wearing crop tops in the Philippines,” saad ni Kyle sa caption ng naturang post.

Kyle Echarri | Now I know why y’all love wearing croptops in the Philippines | Instagram

ALBIE CASIÑO

Hindi rin nagpahuli si Albie Casiño na ibida ang kaniyang abs sa kaniyang Instagram post noong 2022 habang suot ang isang crop top. Sa kaniyang caption, sinabi rin niya na dapat na umanong ma-normalize ang pagsuot ng mga kalalakihan ng crop top.

“Let dudes rock crop tops again damn,” ani Albie.

DARREN ESPANTO

Unbothered din na nagsuot ng crop top ang singer na si Darren Espanto. Sa TikTok post ng aktres na si Bela Padilla noong Setyembre 21, 2024, makikita rito ang pagsayaw ng dalawa habang suot ni Darren ang kaniyang crop top.

“@Darren Espanto team cropped top,” ani Bella sa caption.

JOSHUA GARCIA

Pinagkaguluhan din ng netizens ang isang teaser ng pelikulang “Fruitcake” na inilabas noong June 2023, kung saan kabilang ang aktor na si Joshua Garcia. Sa nasabing teaser, makikita sa eksena ang pagbaba ni Joshua mula sa isang sasakyan habang nakasuot ng isang pink na crop top.

DAVID LICAUCO

Nagkalat din sa Pinterest ang crop top outfit ng aktor na si David Licauco habang nakasandal sa isang pader. Samantala, wala namang detalye sa nasabing larawan ni David mula sa uploader nito.

Samantala, narito naman ang ilang international showbiz male icons na minsan na ring umawra suot ang kanilang crop top styles sa harap ng camera.

HARRY STYLES

Spotted din sa crop top outfit si British singer Harry Styles na matatandaang slaying sa music video ng kaniyang solo na “Watermelon Sugar” noong 2020.

SHAWN MENDES

Kumasa rin ang singer na si Shawn Mendes sa pagsuot ng crop top fits noong 2023 at nagbigay din ng panayam sa media tungkol dito.

“They look great on men, so don’t be afraid to pick them up guys. They look good, saad ni Mendes.

https://x.com/PopBase/status/1638958433989718039

JADEN SMITH

Noong 2022 naman ng kumasa rin sa pagsuot ng crop top ang “Karate Kid” actor na si Jaden Smith para sa isang Louis Vuitton Paris Fashion Week show. 

https://x.com/djokaymegamixer/status/1577379900238856197

Ayon sa isang lifestyle magazine, ang crop top ay karaniwan na umanong isinusuot ng kalalakihan noong 1980’s  na siyang naunang gamitin ng mga atleta sa training. 

Ikaw, sa tingin mo ba bagay mag-suot ng crop top ang kalalakihan? 

Kate Garcia