Nakalagpas na ang bagyong Julian malapit sa Sabtang Island sa Batanes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 30.
Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Typhoon Julian sa coastal waters ng Sabtang Island, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-north northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas na ang Tropical Wind Signal Number sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4:
Batanes
Northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)
Signal No. 3:
Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)
Signal No. 2:
Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
Apayao
Abra
Kalinga
Ilocos Norte
Northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)
Signal No. 1:
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
Northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
Polillo Islands
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyo pa-west northwest sa Bashi Channel ngayong Lunes at magsisimulang mag-recurve bukas ng Martes, Oktubre 1.
Patuloy rin daw na lalakas ang bagyo at inaasahang itataas sa “super typhoon” category ngayong tanghali o gabi.