Mas lumakas pa ang bagyong Julian at malapit na itong itaas sa “super typhoon” category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30.
Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Typhoon Julian sa coastal waters ng Balintang Is., Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas na ang Tropical Wind Signal Number sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 4:
Batanes
Northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)
Signal No. 3:
Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)
Signal No. 2:
Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
Apayao
Northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Licuan-Baay, San Juan, Lagayan, Lagangilang, Dolores, Daguioman, Danglas, La Paz)
Northern portion ng Kalinga (Pinukpuk, Balbalan, City of Tabuk, Rizal), Ilocos Norte
Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)
Signal No. 1:
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Mga natitirang bahagi ng Abra
Mga natitirang bahagi ng Kalinga
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
Northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
Polillo Islands
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyo pa-west northwest sa Balintang Channel ngayong Lunes at lalapit sa Balintang Island at Batanes.
“A landfall scenario over these areas remains likely. Nevertheless, this typhoon will be at its closest to Batanes and Babuyan Islands this morning through afternoon,” anang PAGASA.
Patuloy rin daw na lalakas ang bagyo at inaasahang itataas sa “super typhoon” category bukas ng Martes, Oktubre 1.