December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart at Pia, nagkrus mga landas sa isang fashion show?

Heart at Pia, nagkrus mga landas sa isang fashion show?
Photo courtesy: Screenshots from L'Officiel Malaysia (IG)

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasama umano sa Hermès Fashion Show ang pinagsasabong na sina Kapuso star Heart Evangelista at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

Makikita sa Instagram page ng "L'Officiel Malaysia" ang post patungkol sa pagdalo nina Heart at Pia sa nabanggit na event. 

Isa pa sa mga highlight ay pagdalo rin sa fashion event ni Kelsey Merritt. 

"Spring/Summer 2025 collection is all about versatility where lightness and practicality reign supreme. Standouts were a long zip-down skirt, an apron dress in brown and a wrap dust coat," mababasa sa caption ng post. 

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

L'OFFICIEL MALAYSIA (@lofficielmy) • Instagram photos and videos

Naka-tag ang post sa Instagram accounts nina Heart, Pia, at Kelsey. 

Hindi naman makikita sa video kung nagkaharap ba ang dalawang Filipina personalities na aktibo sa fashion scene internationally. 

Pero ang sigurado, nasa front seat daw si Heart katsika si Kelsey. 

Si Pia naman ay nasa likod ni Kelsey.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kelsey and Heart in one video and beside each other in the front row. Maybe Pia can join in with your chika? She’s just right behind you guys hehe."

"Ang awkward. Nasa likod lang nina Kelsey and Heart si Pia."

"Hindi man lang isinama sa chikahan si Pia."

"Pia, how was is to be seated at the back of Ms Heart?"

"Nakakaloka 'yong nasa iisang area lang sina Heart at Pia."

"Nag-usap kaya sina Heart at Pia?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Heart at Pia patungkol dito.