December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Chloe sinita dahil sa 'bakat' sa damit; buwelta niya, mga magulang gabayan ang anak

Chloe sinita dahil sa 'bakat' sa damit; buwelta niya, mga magulang gabayan ang anak
Photo courtesy: Chloe San Jose (FB)

Umani ng katakot-takot na reaksiyon at komento mula sa netizens ang mga inupload na larawan ni Chloe San Jose, matapos mapansin ng mga netizen ang "nakabakat" sa kaniyang damit.

Sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 28 ay inupload ni Chloe ang ilang mga larawan kung saan nakasuot siya ng puting damit.

Napansin ng mga netizen ang tila nakabakat daw na utong o nipple niya sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Ang caption pa niya rito ay emojis ng cherries at isang face emoji na nagtatakip ng mata.

Relasyon at Hiwalayan

Elijah Canlas, Miles Ocampo nagtukaan sa kasal ni Jose Manalo

Kapansin-pansin naman ang pagkomento rito ng jowang si Carlos Yulo ng GIF na "You're beautiful."

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang "pabakat" ni Chloe.

"Yes Chloe make them more jealous and envy, sila ang tatanda at no life, just positive vive for you and carlos"

"Kaya nagkakaron Ng age gap communication between the young and elder generations kailangan may adjustment between them ..Kasi iba na talaga mga generation Ngayon .sa mga iba pangit tignan sa iba nman ok lang.ako rules ko s mga kids ko as long as namumuhay Sila Ng kabanalan at walang inaapakan ok lang. You are beautiful, you can dress accordingly to your own preferences habang wla bang kids ...just enjoy your moments and hoping at the end lahat at peace na"

"These people are obsessed! If you don’t like her, dapat wala rin kayo on her socials! But clearly, you’re just obsessing on everything she posts and y’all keep on projecting your insecurities at her! lol get a life."

"So pretty!"

"May pabakat hahaha"

"Jusko wala na talagang magandang maidulot sa kabataan ito"

"Bakit wala kang bra? Is that your intention talaga na magpakita ng nips?"

Samantala, isang netizen naman ang sinagot ni Chloe matapos magkomento sa kaniya.

"Ssshhhh Inday Chloe Anjeleigh San Jose. I appreciate your personality and talent. But this one sounds too disturbing to the young ones. Specially to the boys. This is posted in public where all ages of people can see," mababasa sa komento ng netizen.

"‘bakat yong utong’ is not appropriate to show it in public if you are portraying as a role model by linking as partner of Olympic Medalist Carlos Yulo. Preserve the essence of being a Filipina. and not that Australian!”

"Labas mga women empowerment defender Jan," aniya pa.

Tugon naman dito ni Chloe, "Isn't it parent's responsibility to guide their children to not think maliciously of others?"

"It's so easy to blame and point fingers at women who dress in what they want and comfortable with and yet so hard to address the real issue, which is BOYS (not real men) being a whole as PERVERT," dagdag pa niya.