October 05, 2024

Home SHOWBIZ

'Talbog si Chloe?' Pagsusuot ng crop top ni Carlos Yulo, umani ng reaksiyon

'Talbog si Chloe?' Pagsusuot ng crop top ni Carlos Yulo, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Carlos Edriel Yulo (IG)

Umani ng reaksiyon sa mga netizen ang pag-flex ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ng kaniyang mga larawan habang nakasuot ng crop top.

Batay sa lokasyon ng Instagram post, nasa Seoul, South Korea pa rin siya para sa isang bakasyon kasama ang kaniyang jowang si Chloe San Jose.

Isa si Caloy sa male celebrities na tila bine-break ang gender stereotypes pagdating sa pagsusuot ng mga damit gaya ng crop top. Isa na rito ang Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri.

Sey ng mga netizen, binabagayan din ang pagsusuot ng crop top lalo na kapag firm at toned ang katawan ng lalaki.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Anyways, umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang crop top ni Caloy.

"gayahin ko nga tong outfit na to!! linisin ko lang pusod ko wait"

"Slay!!"

"breaking toxic musculinity. i love!"

"It’s giving secure masculinity. We stan a progressive guy! Di gaya ng iba dyan, pang-dark ages ang mentality."

"Winning the Olympics and now, breaking toxic masculinity and cultural codes of dressing up. Carlos, you’re the gold!"

"I don't understand why people are laughing...men wearing crop top is normal...even the KPOP stars are wearing it..pati si RAIN...you can see a lot of men wearing crop tops during summer here abroad and nobody is laughing..actually they dont mind other people's outfit.."

"BREAKING GENDER STEREOTYPES SA SPORTS now sa FASHION! More reasons to love you Caloy."

"Parang natalbugan pa niya si Chloe hahaha eme lang. Bagay!"

Ikaw, anong masasabi mo sa crop top ni Caloy?