Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 10:46 ng umaga nitong Linggo, Setyembre 29.
Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 47 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.