November 25, 2024

Home BALITA National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Typhoon Julian ang lakas nito habang kumikilos pa-northwest sa Philippine Sea sa silangan ng Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Linggo, Setyembre 29.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Julian 235 kilometro ang layo sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 3 ang Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.).

Nakataas din sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

Mainland Cagayan

Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)

Apayao

Northern at central portions ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Carasi, Nueva Era, Solsona, Piddig, Dingras, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Bacarra)

Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Abra

Kalinga

Ifugao

Mountain Province

Benguet

Isabela

Nueva Vizcaya

Quirino

Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras habang kikilos ito patungong Batanes o Babuyan Islands. 

Kaugnay nito, hindi rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na umabot sa “super typhoon” category ang bagyo.