November 25, 2024

Home BALITA National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na
Courtesy: PAGASA/FB

Mas lumakas pa ang Severe Tropical Storm Julian, dahilan kaya’t itinaas na sa Signal No. 3 ang northeastern portion ng Babuyan Islands, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Linggo, Setyembre 29.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Julian 290 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan o 300 kilometro ang layo sa Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour. 

Mabagal itong kumikilos pa-west northwest.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Bukod sa northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.) na nakataas sa Signal No. 3, nakataas din ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Batanes

Northeastern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana) 

Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)

Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:

Mga natitirang bahagi ng Cagayan

Isabela

Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Ilocos Norte

Ilocos Sur

Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias)

Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at posibleng itaas sa “typhoon” category ngayong Linggo ng gabi. Hindi rin inaalis ng weather bureau na umabot sa “super typhoon” category ang bagyo.

“This tropical cyclone will be closest to Batanes and/or Babuyan Islands at or near peak intensity,” saad ng PAGASA.