Mas lumakas pa ang bagyong Julian at itinaas na ito sa “severe tropical storm” category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng umaga, Setyembre 29.
Location of Center (4:00 AM): The center of Severe Tropical Storm JULIAN was estimated based on all available data at 305 km East of Aparri, Cagayan (18.6°N, 124.5°E)
Intensity: Maximum sustained winds of 95 km/h near the center, gustiness of up to 115 km/h, and central pressure of 990 hPa
Present Movement: West northwestward at 10 km/h
Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Julian 305 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
- Northeastern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana)
- Eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Babuyan Is.)
Nasa Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Mga natitirang bahagi ng Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
- Isabela
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Eastern at central portions ng Mountain Province (Natonin, Paracelis, Sadanga, Barlig, Bontoc)
- Eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao)
- Ilocos Norte
- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente)
- Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at posibleng itaas sa “typhoon” category ngayong Linggo ng gabi o bukas ng Lunes ng madaling araw, Setyembre 30. Hindi rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na umabot sa “super typhoon” category ang bagyo.