September 30, 2024

Home SHOWBIZ

Chloe, kinilig sa pa-flowers at pa-letter ni Caloy sa 52nd monthsary nila

Chloe, kinilig sa pa-flowers at pa-letter ni Caloy sa 52nd monthsary nila
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Ibinalandra ni Chloe San Jose ang handog na bouquet of flowers at love letter sa kaniya ng jowang si Carlos Yulo, para sa pagdiriwang nila ng 52nd monthsary. 

i love you endlessly Carlos - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Kalakip ng post ang mga larawan ni Caloy habang bitbit ang pulumpon ng mga bulaklak bago ibigay sa kaniya. 

Ibinahagi rin ni Chloe ang sulat na ibinigay sa kaniya ng jowa, na nag-appreciate sa kaniya bilang katuwang niya sa buhay. 

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, pumalag: 'Di ako tatay ni Cassandra Ong!'

Nagpasalamat din ang atleta sa lahat daw ng sakripisyo ng girlfriend para sa kaniya. 

"Salamat ng marami mahal ko at sinamahan mo ko sa journey na ito, di naging madali pero di ka sumuko, katabi ko," ani Caloy. 

"Alam kong marami pa tayong mapapag-daanan sa buhay, pero handa ako na salubungin lahat yon kasama ka," giit pa ng two-time Olympic gold medalist. 

Nakalagay sa sulat na excited na si Carlos sa next goals nila: ang maging daddy at asawa na siya. 

"Habang inaabot mo naman ang pangarap mo, mahal ko, nandito ako nakasuporta at mamahalin ka ng buo!"

"Happy 52nd monthsary po ulit mahal ko! Mahal na mahal po kita!" saad pa ni Caloy sa sulat. 

Sa comment section naman ay nagpalitan ng matamis na "I love you" sa isa't isa ang celebrity couple.