September 29, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy

Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (IG)/Carlos Edriel Yulo (IG)

Sinagot ni Chloe San Jose kung sa kaniya ba ang suot na crop top ng kaniyang boyfriend na si Carlos Yulo, na flinex nito sa Instagram.

Umani kasi ng reaksiyon sa mga netizen ang pag-flex ng two-time Olympic gold medalist sa kaniyang mga larawan habang nakasuot ng crop top.

Batay sa lokasyon ng Instagram post, nasa Seoul, South Korea pa rin siya para sa isang bakasyon kasama ang kaniyang jowang si Chloe San Jose.

Isa si Caloy sa male celebrities na tila bine-break ang gender stereotypes pagdating sa pagsusuot ng mga damit gaya ng crop top. Isa na rito ang Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, pumalag: 'Di ako tatay ni Cassandra Ong!'

Sey ng mga netizen, binabagayan din ang pagsusuot ng crop top lalo na kapag firm at toned ang katawan ng lalaki.

Ngunit isang netizen naman ang nangahas magtanong kay Chloe kung siya ba ang nagpahiram ng crop top kay Carlos.

"Tanong ng mga tao kung crop top nyo ba daw ba yun suot ni Caloy? Sana ma notice para matahimik na ang mga marites... haha," saad ng netizen.

Agad namang sumagot dito si Chloe.

"The one he's wearing is not mine, he picked and bought his crop top himself."

Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Samantala, kinakiligan naman ng mga netizen ang pagdiriwang ng 52nd monthsary ng dalawa.

MAKI-BALITA: Next goals? Caloy kay Chloe, 'Excited na ko maging daddy at asawa!'

MAKI-BALITA: Chloe, kinilig sa pa-flowers at pa-letter ni Caloy sa 52nd monthsary nila