September 30, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bumgarner, nanindigan: 'Pia is the first Filipina L'Oréal ambassador to walk in LeDefile!'

Bumgarner, nanindigan: 'Pia is the first Filipina L'Oréal ambassador to walk in LeDefile!'

Pinaninindigan ng internationally renowned fashion designer na si Mark Bumgarner na si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach ang unang L'Oréal Filipina ambassador na rumampa sa sikat na L'Oréal Fashion Show.

Nagkomento mismo si Mark sa kaniyang sariling Instagram post noong Setyembre 23 patungkol sa pagrampa nga ni Pia sa runway ng nabanggit na sikat na brand.

"Breaking barriers and making history!" mababasa sa post ni Mark.

"This is it, P ! @piawurtzbach."

Tsika at Intriga

Tatakbo rin? Vivian Velez, may nilinaw sa pagkakaroon ng posisyon sa PDP

"Tonight on the @lorealparis Le Defile runway for Paris Fashion Week, you will be the first Filipina to walk this annual show representing #lorealph."

"A dream come true and another milestone indeed!"

MARK BUMGARNER (@markbumgarner) • Instagram photos and videos

Ngunit makalipas ang ilang araw, naglabas naman ng Instagram post ang Filipina-American transwoman model na si Leyna Bloom, na siya ang kauna-unahang Filipino woman na lumikha ng kasaysayan sa nabanggit na fashion event.

Kahit na ganoon, nagpaabot pa rin ng pagbati si Leyna kay Pia at sa isa pang Pinay model na si Stephanie Valentine, matapos daw sumunod sa kaniyang yapak.

Sa comment section naman ng kaniyang Instagram post noong Setyembre 23 ay nagbigay naman ng kaniyang komento ang sikat na fashion designer.

"Pia is the first Filipina Loreal ambassador to walk in LeDefile. I stand by it," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga nagsabing si Pia daw ay ang unang biological Filipina habang si Leyna naman daw ang unang transwoman Filipina na nakarampa sa nabanggit na runway.

MAKI-BALITA: Leyna Bloom, binasag claims na si Pia Wurtzbach unang Pinay na rumampa sa L'Oréal Fashion Show

MAKI-BALITA: Leyna Bloom, may sinabi kay Pia Wurtzbach matapos sumunod sa yapak niya

" justifiably the first and the PROUDEST Filipina to walk the Le Defile runway"

"EXACTLY. some jealous people are wasting their time giving a ridiculous amount of nitpicking just because it’s PIA."

"Is Leyna Bloom a real Filipino? I read somewhere that she denounced being Filipino so that means technically speaking, Pia is really the first… what do you think?"

"Pia is the FIRST L'OREAL AMBASSADOR FROM THE PHILIPPINES TO WALK THE RUNWAY! Leynabloom was not L'OREAL's AMBASSADOR in the Philippines, she never was!!!!!!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Leyna patungkol dito.