September 28, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Yassi Pressman, inunfollow si Nadine Lustre?

Yassi Pressman, inunfollow si Nadine Lustre?

Uso ang unfollowan ng mga celebrity, ha!

Kung dati, kapag celebrity couple ang nag-unfollowan sa social media, nagiging hint ito ng mga marites na baka on the rocks ang relasyon nila o worse, hilwaya na agad-agad.

Pero ngayon, ang unfollowan naman ay ginagawa ng mga magkakaibigan.

Nauna na rito ang pag-unfollowan umano nina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara sa kani-kanilang Instagram accounts, noong Biyernes, Setyembre 27.

Tsika at Intriga

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa?

At ngayong Sabado, Setyembre 28, napabalitang inunfollow ni Bea Alonzo si Kyline sa Instagram account nito, bagama't naka-follow pa rin ang huli sa "Widow's War" star.

MAKI-BALITA: After ni Sarah Lahbati: Bea Alonzo, inunfollow si Kyline Alcantara?

At tila sumusunod sa "unfollowan serye" sina Yassi Pressman at Nadine Lustre matapos mapaulat ng entertainment site na "Fashion Pulis" na tila nag-unfollow na raw si Yassi kay Nadine.

Matatandaang naging magkaibigan ang dalawa matapos magsama sa una nilang proyekto together na nagbigay ng break sa kanila sa showbiz, ang "Diary ng Panget" na unang pagtatambal nina Nadine at James Reid, kaya nabuo ang "JaDine." Kasama pa nila rito ang GMA actor na si Andre Paras.

Si Yassi ay kapatid ni Issa Pressman, ang kasalukuyang girlfriend ni James Reid, na dating reel at real partner ni "President Nadine."

Sinilip ng Balita ang Instagram accounts ng dalawa at kapansin-pansin ngang hindi sila naka-follow sa Instagram account ng isa't isa.

Photo courtesy: Screenshot from Yassi Pressman (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Nadine Lustre (IG)

Kamakailan lamang, napabalita naman ang pag-follow nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo sa isa't isa, matapos ang ilang taon.

Kung matatandaan natin, noong papausbong pa lamang ang kasikatan ni Nadine ay lagi siyang naikukumpara kay Kathryn, na kesyo magkamukha raw sila.

Anyway, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Yassi at Nadine tungkol sa isyu.