September 28, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Was it coincidence or intentional?' Suot na sapatos nina Anthony, Maris inintriga

'Was it coincidence or intentional?' Suot na sapatos nina Anthony, Maris inintriga
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Hindi nakalampas sa mga marites ang lumutang na video nina “Incognito” stars Anthony Jennings at Maris Racal kung saan makikita silang magkasama.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Setyembre 27, pinag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang dalawang artista. 

“Was it coincidence or intentional?” usisa ni Mama Loi na ang tinutukoy ay ang suot na sapatos nina Maris at Anthony na magkapareho.

“Hindi ko alam, e,” sagot naman ni Ogie. “Kasi uso naman talaga ‘yan, ano. Pero hindi naman natin alam baka binili ng isa ‘yan para…’couple shoes tayo, ha.’”

Tsika at Intriga

Yassi Pressman, inunfollow si Nadine Lustre?

Matatandaang kagagaling lang ni Maris sa hiwalayan noong Hulyo sa jowa nitong si Rico Blanco.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Pero bago pa man magsulputan ang anomang intriga, nauna nang linawin ni Maris na wala umanong kinalaman si Anthony sa breakup nila ng singer-songwriter.

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris

Kasalukuyan din umanong may non-showbiz girlfriend si Anthony.