September 28, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Tila hindi na napigilan pa ni showbiz insider Ogie Diaz na usisain ang estado ng love life ng “Incognito” star na si Anthony Jennings matapos lumutang ang video nito kasama si Maris Racal.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, tinanong ni Ogie kung totoo raw ba talagang hiwalay na si Anthony sa jowa nito. 

“Ang balita—hindi ko naman alam, sana hindi totoo naman—kakabreak lang daw ni Anthony Jennings sa kaniyang girlfriend,” saad ni Ogie.

“Pero hintayin natin. Baka naman hindi lang sila nagpo-post madalas. O hindi sila nagpo-post at all ng kasama ang isa’t isa,” wika niya.

Tsika at Intriga

'Was it coincidence or intentional?' Suot na sapatos nina Anthony, Maris inintriga

Kaya tanong ng showbiz insider: “Totoo ba ‘yon? Naku, pakilinaw nga kung totoong split na si Anthony Jennings sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva. 

Bagama’t hindi makikita sa kaniyang Instagram account, matatandaang ilang beses nang inihayag ni Anthony sa mga prescon na may karelasyon siya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Anthony hinggil sa nasabing tsika.

MAKI-BALITA: 'Was it coincidence or intentional?' Suot na sapatos nina Anthony, Maris inintriga