December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kim Ji Soo, excited ipakita new version ng sarili sa muling pag-arte

Kim Ji Soo, excited ipakita new version ng sarili sa muling pag-arte
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Inihayag ni South Korean actor Kim Ji Soo ang nararamdaman ngayong siya ay nasa Pilipinas at nagbabalik sa pag-arte matapos ang ilang taong pamamahinga.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Setyembre 27, sinabi ni Ji Soo na “grateful,” “happy,” at “excited” daw siyang ipakita ang bagong bersyon ng sarili niya.

“It is really grateful and, actually, so happy. I’m so excited to be my new side; my new version of my self,” saad ni Ji Soo.

“So, I’m very excited,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon pa sa South Korean actor, nagkaroon daw siya ng great experience sa Pilipinas kaya nagdesisyon siyang tuklasin pa ang entertainment business ng bansa.

“I had a lot of experience here. So I love this culture. And also, you know, the industry here is growing up so I wanted to be part of it,” lahad pa Ji Soo.

Matatandaang unang natunghayan si Ji Soo sa primetime action series na “Black Rider” ni Kapuso star Ruru Madrid noong Hunyo.