October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Iyan reason bakit ang galing mong athlete, tanga!' La Oro banas kay Caloy, tinawag na magnanakaw ermat

'Iyan reason bakit ang galing mong athlete, tanga!' La Oro banas kay Caloy, tinawag na magnanakaw ermat
Photo courtesy: Screenshot from Elizabeth Oropesa (TikTok)/Screenshot from Toni Talks (YouTube)/via Manila Bulletin

Hindi na nakapagpigil ang batikang aktres na si Elizabeth Oropesa sa isyu ng girian nina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at pamilya niya, lalo na ang ina niyang si Angelica Yulo.

Ayon sa TikTok video ni La Oro, hindi niya maatim na ipapahiya ng isang anak ang kaniyang sariling magulang sa social media, kahit na anuman daw ang pagkakamali nito.

"No apologies, I would like to talk about Caloy Yulo," panimula ni Elizabeth.

"I can't help it anymore. Masyado nang matindi ang tabas ng dila ng batang ito, hindi ko na kinaya," aniya.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Hindi na raw kinaya ni Elizabeth kung paano itrato ni Caloy ang kaniyang ina, na matatandaang humingi na ng paumanhin sa kaniya sa pamamagitan ng isang press conference, matapos nilang maglabas ng official statement ni Chloe sa pamamagitan ng TikTok Live.

"Hindi po ako sang-ayon, the way he is treating his mother is horrible. Wala po akong pakialam doon sa girlfriend niya kung sino man 'yon, siya bilang anak, hindi dapat nagtatrato ng magulang nang ganiyan. Kahit anong sabihin, mali po 'yon," paliwanag ng aktres.

"'Yon pong pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa, ke nanay mo o hindi, lalo na kung nanay mo."

"Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano-ano doon sa babaeng pinanggalingan mo kaya ka nabuhay."

Giit pa ni La Oro, masalimuot ang proseso ng pagiging ina at anak. Hindi raw tama ang ginawa ni Carlos na ipahiya ang kaniyang ina sa social media, anuman ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Mas maganda raw kung naresolba ang mga isyu nila sa paraang pribado at hindi na-broadcast sa lahat sa pamamagitan nga ng social media.

Dapat daw, si Carlos muna ang nagpakita ng paggalang sa kaniyang ina, para igalang din ito ng kaniyang girlfriend.

"Hijo, Caloy, marami kang hindi alam. Alam mo parang masyadong matigas na ang puso mo. Sino ba'ng nagturo sa iyo niyan, hindi ka naman siguro tinuruan ng nanay mo nang ganiyan, kahit ano pang kasalanan ng nanay mo, nanay mo pa rin 'yan. Kahit gaano kasama ang ina, ina mo pa rin 'yan, tandaan mo 'yan..."

"Hihiyain mo 'yong mother mo? Tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, your cells, galing sa ina mo, hanggang mamatay ka, kahit patay na na ang ina mo, iyan ang tutulong sa health mo, iyan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, tanga!" gigil na sabi ni Elizabeth.

Nasasaktan daw ang batikang aktres kapag may mga anak na nagsasalita nang masama laban sa kanilang ina.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Carlos patungkol dito.

MAKI-BALITA: La Oro, nanggalaiti kay Caloy: 'Masyado nang matindi tabas ng dila mo!'