September 28, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Enzo Almario, nagustuhan ginawa sa kaniya ni Danny Tan kaya 'di umalma?

Enzo Almario, nagustuhan ginawa sa kaniya ni Danny Tan kaya 'di umalma?
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update/Screenshot from Ogie Diaz Inspires (YouTube)

Sa isang mapusong panayam ay idinetalye ng singer na si Enzo Almario sa "Ogie Diaz Inspires" ang mga naging karanasan sa kamay ng umano'y gumawa sa kaniya ng kahalayan na si musical director Danny Tan, noong siya ay 12-anyos pa lamang.

Matatandaang isinama sa isang video statement ng singer na si Gerald Santos si Enzo, para sabihin sa publiko na nakaranas din ang huli ng umano'y sexual harassment sa kamay ng musical director na gumawa rin nito kay Gerald.

MAKI-BALITA: 1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!

Kuwento ni Enzo, noong una raw ay hindi siya nakaramdam na may maling gagawin sa kaniya si Danny, hanggang sa dumating na raw ang pagkakataong isinama siya nito sa sinehan at sinilip ang kaniyang "bird."

Tsika at Intriga

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

Pagkatapos daw ng insidente ay isinama raw siya ni Danny sa office niya sa pet shop sa isang mall sa Quezon City at doon na natuloy ang "panghahalay" nito.

Nang tanungin ni Ogie kung nagustuhan na ba niya ang ginawa ni Danny kaya hindi siya pumalag, marahil daw ay curious siya sa sensasyong naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

"Ang first kasi namin was sa sinehan. And then natuloy sa office niya sa pet shop niya sa SM North. Iyon ang first. And then 'yong mga sumunod na po was different locations na," ani Enzo.

Sundot na tanong ni Ogie, "Na nagustuhan mo na noong una kaya naulit nang naulit?"

"Noong unang-una po sobrang ano ako eh, confused about 'Ano 'to?' Bakit niya tinatanong? Kasi, sabihin ko na, ang unang sinabi niya was 'Hindi pa ako nakakakita ng bird ng 12 years old.' Nasa kalagitnaan ng sine tapos nasa likod kaming part. I don't know. Kahit tanungin ko sarili ko ngayon, 'What was running through my head that time?' Hindi ko alam..." sagot ni Enzo.

"Hindi ka tumanggi? Hindi ka umalma?" segundang tanong ni Ogie.

"Siguro I was very, very curious about it din. Kasi may sudden feeling ka na something foreign to your body na first time ginagawa sa 'yo. 'Ano ba 'to?' 'Anong sensation 'to?'"

Iyon din umano ang rason kung bakit late na rin siya nagsalita.

Kapag nakikita raw niya ang kapatid niyang lalaking 12-anyos ay hindi niya maiwasang manumbalik sa kaniya ang mga pinagdaanan, na ngayon ay nare-realize niyang mali pala at nangyari sa kaniya ang gayong kahalayan sa menor de edad.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng inaakusahang si Danny Tan kaugnay sa mga isyung ipinupukol sa kaniya. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu