September 28, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

After ni Sarah Lahbati: Bea Alonzo, inunfollow si Kyline Alcantara?

After ni Sarah Lahbati: Bea Alonzo, inunfollow si Kyline Alcantara?
Photo courtesy: Kyline Alcantara (IG)/Fashion Pulis

Matapos ang usap-usapang tila pag-unfollow ng magkaibigang sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati sa Instagram, nadagdagan pa ito nang mapaulat naman na nag-unfollow na rin sa una si Kapuso star Bea Alonzo.

Sa ulat ng Fashion Pulis, naglapag sila ng "resibo" na hindi nga naka-follow ang Instagram account ni Bea sa kapwa Kapuso star, subalit si Kyline at naka-follow naman kay Bea.

Hindi naman tiyak kung talaga bang nag-unfollow si Bea kay Kyline o hindi naman talaga naka-follow eversince si Bea sa Instagram account ng huli.

Ngunit ang labis na ipinagtataka ng commenters sa ulat ay kung anong isyu sa tatlo para i-unfollow nina Sarah at Bea si Kyline. Ilang netizens din ang nagsabing baka in the first place, hindi naman talaga naka-follow si Bea kay Kyline?

Tsika at Intriga

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

Sa mundo kasi ng showbiz, ginagawang batayan ng mga "marites" ang unfollowan kapag naghiwalay na ang mag-jowa o kaya may "friendship over" na.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Siguro to may nag leak na group chat hahahaha"

"ang rules kasi nila ay walang magjojiwa kaso nagjowa yung isa, dapat bitter silang tatlo forever? Hahaha eme."

"Ooh what happened? Or pwede ding B wasn't following Kyline to begin with..."

"Spill the tea na mga mamsh..."

"Ay uso ang unfollowan hahaha."

Binisita ng Balita ang Instagram accounts ng dalawa para makumpirma ang ulat na ito, at gaya ng mga naunang obserbasyon, hindi nga naka-follow si Bea kay Kyline, pero naka-follow si Kyline kay Bea.

Photo courtesy: Screenshot from Bea Alonzo (IG)
Photo courtesy: Kyline Alcantara (IG)

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag sina Sarah, Kyline, at Bea tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa?