September 27, 2024

Home BALITA

'Sasagasaan lahat!' Doc Willie Ong, aayusin healthcare ng Pilipinas kapag gumaling

'Sasagasaan lahat!' Doc Willie Ong, aayusin healthcare ng Pilipinas kapag gumaling
Photo Courtesy: Screenshot from Doc Willie Ong (YT)

Nagbigay ng updates ang cardiologist na si Doc Willie Ong matapos niyang sumailalim sa chemotherapy kamakailan.

Sa latest vlog ni Ong nitong Huwebes, Setyembre 26, kabilang sa mga nabanggit niya ay ang plano niya sa oras na siya ay gumaling mula sa matinding sakit.

"Kung bubuhayin pa ako ng Diyos, babalik tayo. Aayusin ko talaga ang healthcare. Wala akong pake, tandaan n’yo. Wala akong pake. Sasagasaan lahat ng sasagasaan, para makuha ‘yan,” pahayag ni Ong.

Dagdag pa niya: “…Naintindihan n’yo man o hindi ginagawa ko, sure ako para sa inyo ‘to."

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Sa panayam naman ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong Setyembre 22 ay sinabi rin ni Ong na balak niya raw na pagbatiin ang mga politiko.

MAKI-BALITA: Doc Willie Ong, may misyon pa raw sa mundo; pagbabatiin mga politiko

Matatandaang inanunsiyo ni Ong noong na mayroon umano siyang Sarcoma cancer at posibleng ang dahilan umano nito ay stress dulot ng mga nababasang komento sa Facebook.

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer