September 27, 2024

Home SHOWBIZ

Priscilla, naubos kakabigay sa iba; uunahin munang mahalin ang sarili

Priscilla, naubos kakabigay sa iba; uunahin munang mahalin ang sarili
Photo Courtesy: Screenshot from Luis Listens (YT)

Inamin ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles na mapagbigay daw siyang tao nang kapanayamin siya sa “Luis Listens” kamakailan.

Sa latest episode ng vlog ni TV host-actor Luis Manzano, sinabi ni Priscilla na isa raw sa mga napagtanto niya ngayon sa buhay ay ang pangangailangang mahalin ang sarili.

“I really need to love ‘yong sarili ko. Self-love. Because I’m the type of person that I give, I give, I give. And parang nauubusan ako, e,” saad ni Priscilla.

Dagdag pa niya: “So there’s nothing left for me for many years. So these past years, na-realize ko that I need to love my self first. So that I can love others better.”

Kung makakabalik sa nakaraan: Priscilla, 'di muna papakasal nang maaga

Maliban dito, kabilang din daw sa mga na-realize ni Priscilla ay ang mga sumsunod: “family and God is everything.”

Ayon sa kaniya, nagsimula raw ang niyang mapagtanto ang lahat ng ito noong pandemya dahil sa dami ng nangyari sa panahong iyon.

Matatandaang nagsimula na namang pag-usapan sina John at Priscilla noong Hulyo matapos pangalanan ng huli ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Pero nilinaw ng aktor na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman. 

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Bukod dito, binanggit din ng aktor na pareho raw nilang pinagdesisyunan ng misis niyang si Priscilla Meirelles na mag-take muna ng break sa kanilang relasyon.