October 11, 2024

Home SPORTS

NBA fans, ikinagulat biglaang pagtuldok ni Derrick Rose sa kaniyang karera

NBA fans, ikinagulat biglaang pagtuldok ni Derrick Rose sa kaniyang karera
Photo courtesy: Derrick Rose (IG) and NBA wesbiste

Matapos ang 16 taong karera, tuluyan nang nagpaalam si National Basketball Association (NBA) youngest Most Valuable Player (MVP) Derrick Rose nang ianunsyo niya ang opisyal na pagreretiro sa liga.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 26, 2024, inihayag ni Rose ang kaniyang pamamaalam sa NBA na tinawag niya ring “first love.”

“Thank You, My First Love... You believed in me through the highs and lows, my constant when everything else seemed uncertain. You showed me what love truly meant,” saad ng isang larawang kalakip ng naturang retirement post ni Derrick.

"You introduced me to new places and cultures that a kid from Chicago could have never imagined. You taught me that every loss was a lesson and every win was a reason to be grateful."

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Si Rose ang kauna-unahang NBA player na nakakuha ng MVP award sa edad na 22-anyos noong 2010-2011, isang taon matapos niyang masungkit ang Rookie of the Year noong 2009-2010, magmula nang sumali siya sa liga noong 2008.

Nananatili si Rose sa koponan ng Chicago Bulls sa loob ng walong taon at na-trade sa New York Knicks noong 2016. 

Maagang sinalubong ng injury ang karera ni Rose matapos siyang magtamo ng ACL injury noong 2012, na naging ugat na nang pagbaba ng kaniyang pursyento sa bawat game.

"You told me it's okay to say goodbye, reassuring me that you'll always be a part of me, no matter what life takes me. Forever yours, Derrick Rose,” huling pahayag ni Rose sa kaniyang Instagram. 

Samantala, bumuhos naman sa X ang sentiymento ng mga maraming basketball fans sa biglaang anunsyo ng dating MVP.

“Derrick Rose is my number one. What if he never got hurt?”

“Derrick Rose if my forever what if. Godspeed, brother!”

“I haven’t been able to stop crying after I watched his highlights."

“Wasn’t gonna drink tonight but Derrick Rose retired!”

“Thank you, my number 1!”

“Not my childhood idol retiring in the league.”