September 27, 2024

Home SHOWBIZ

Boy Abunda, ayaw munang dumagdag sa ingay ng isyu ni Carlos Yulo

Boy Abunda, ayaw munang dumagdag sa ingay ng isyu ni Carlos Yulo
Photo Courtesy: Boy Abunda,Carlos Yulo (FB)

Ibinahagi ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang dahilan kung bakit hindi pa rin niya kinakapanayam si two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos “Caloy” Yulo.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Setyembre 27, sinabi umano ni Abunda sa isang panayam na minsan na raw sinubukan ng kaniyang team na makipag-ugnayan kay Caloy para sa isang one-on-one interview pero hindi natuloy dahil umano sa conflict of schedule.

Pero sa kasalukuyan, tila wala pang plano si Abunda na imbitahan ulit si Caloy para sa isang panayam lalo na sa kontrobersiyang umaaligid sa huli.

“Napakahirap kasi kulang ako sa detalye. What we know is what we read. How much of that is really real? May mga reaksiyon tayo kasi nababantayan ko rin like all of you,” saad ni Abunda.

Priscilla Meirelles, naniniwala sa second chance

“'Yong mga sagutan, hindi ko na alam kung ano 'yong totoo at kung ano 'yung hindi. Sa parada, nando'n ang tatay hanggang nag-change of heart na ang father, nag-iba na ang tono,” aniya.

Dagdag pa ng King of Talk: So, katulad ng marami, I wanna know the truth, 'di ba? It's so hard to judge kasi limitado 'yong aking facts.”

Gayundin, inunahan na agad ni Abunda na suplahin ang mga taong mag-iisip ng iba pang posibleng dahilan kung bakit hindi niya kinakapanayam si Caloy.

“Some people would say: 'Boy is not interested because maka-nanay.' Hindi naman. That's not fair. Maka-nanay naman talaga ako at naniniwala naman talaga ako. [...] But that's me. I will not impose that on anyone,” paliwanag niya.

Kaya naman ang pinagdarasal na lang muna sa ngayon ni Abunda ay magkausap ang magkabilang panig.

“I don't know, maybe kailangang tumahimik muna. That's one of the reasons I told them na hangga't maaari huwag na muna tayo dumagdag sa ingay,” pahabol pa niya.

Matatandaang kamakailan lang sumalang si Caloy sa “Toni Talks” kasama ang jowa nitong si Chloe San Jose.

MAKI-BALITA: Panayam nina Chloe at Caloy sa Toni Talks, nagkaroon ng technical issues