September 27, 2024

Home BALITA

Asawa ni Doc Willie Ong, pinasalamatan mga nagdasal, nagtirik ng kandila para sa kaniyang mister

Asawa ni Doc Willie Ong, pinasalamatan mga nagdasal, nagtirik ng kandila para sa kaniyang mister
Photo Courtesy: Doc Liza Ong, Doc Willie Ong (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang asawa ni Doc Willie Ong na si Doc Liza Ramoso-Ong para sa mga tagasuporta ng kaniyang mister.

Sa latest vlog ni Willie nitong Huwebes, Setyembre 26, pinasalamatan ng misis niya ang mga nagdasal, nagpamisa, at nagtirik ng kanila para sa kaniya.

“Doon po sa mga nagtirik ng kandila, nagpamisa kay Doc Willie, nagpunta kay Padre Pio, maraming-maraming salamat,” saad ni Liza.

Dagdag pa niya: “Sa mga nagpadala po ng mga religious items for Doc Willie, maraming-maraming salamat po.”

Eleksyon

Partido Lakas ng Masa, ninomina sina De Guzman, Espiritu sa pagkasenador sa 2025 elections

Bukod dito, nagbigay din ng ilang detalye si Liza para sa mga gustong madalaw ang mister niya.

Ayon sa kaniya: “Sa mga gusto pong dumalaw [...] ‘pag malakas-lakas na po si Doc Willie. Ngayon kasi syempre almost every day may injection, may chemo.”

“So minsan, may hingal kaunti.  So, ‘pag nakalakas-lakas na siya saka tayo dumalaw kay Doc Willie. So, thank you sa mga pasabi ninyo na gusto ninyong makita si Doc,” dugtong pa niya.

Matatandaang inanunsiyo ni Willie noong Setyembre 14 na mayroon umano siyang Sarcoma cancer at posibleng ang dahilan umano nito ay stress dulot ng mga nababasang komento sa Facebook.

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer