October 04, 2024

Home SHOWBIZ

'Sarap may ka-50/50!' Ray Parks kunsintidor na jowa kay Zeinab

'Sarap may ka-50/50!' Ray Parks kunsintidor na jowa kay Zeinab

Nagpasalamat ang social media personality na si Zeinab Harake sa kaniyang fiance na si Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks, Jr. dahil sa "pangungunsinte" nito sa kaniya.

Sa Instagram stories, flinex ni Zeinab ang pagbili nila ng bagong kotse ni Bobby Ray, na aniya ay para sa lumalaki nilang pamilya.

Hindi naman daw nabigo si Zeinab nang hiritan niya ang jowa, kaya masayang-masaya si Zeinab sa hindi nito pagtutol sa kaniyang balak.

Photo courtesy: Zeinab Harake (FB)

Bukod pa rito, nasabi rin ni Zeinab na masarap sa pakiramdam kapag may kahati sa mga gastusin sa buhay.

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Zeinab sa vlog kung paano siya lumuhod sa harapan ng partner para hingin ang kamay nito para sa wedding proposal.

Pero bago ito, siyempre ay nauna nang lumuhod si Ray Parks sa kaniya para hingin ang matamis niyang oo. Wala pang anunsyo kung kailan ikakasal ang dalawa.

MAKI-BALITA: Zeinab niluhuran si Ray Parks sa Japan

MAKI-BALITA: Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!