October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Piolo flinex birthday celeb ni John Lloyd, naikumpara pa tuloy sa kaniya

Piolo flinex birthday celeb ni John Lloyd, naikumpara pa tuloy sa kaniya
Photo courtesy: Piolo Pascual (IG) via Fashion Pulis

Ibinahagi ni Pamilya Sagrado star at tinaguriang Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang ilang mga larawan sa post-birthday celebration ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng Instagram stories.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Piolo na dinaluhan ito ng Kapuso personalities na dating mga kasama sa ABS-CBN, gaya nina Widow's War star Bea Alonzo at dating Star Magic emeritus-Starmaker Johnny "Mr. M" Manahan, na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artist Center. Naispatan din sa larawan si Mariole Alberto na kasama na rin ni Mr. M sa Sparkle. 

Present din sa celebration ang jowa ni John Lloyd na si Isabel Santos na isang artist. 

Pinasalamatan ni PJ si Lloydie sa hosting ng nabanggit na late birthday celebration. 

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

"Late bday celebration for JL," text caption ni Piolo.

"thanks for hosting bro," dagdag pa ng aktor. 

Photo courtesy: Piolo Pascual (IG) via Fashion Pulis
Photo courtesy: Piolo Pascual (IG)/via Fashion Pulis

Sa ulat naman ng Fashion Pulis ay hindi naiwasang punahin ng commenters ang pagkakaiba sa looks nina Piolo at John Lloyd.

Si John Lloyd ay medyo pahinga na naman ulit sa showbiz matapos ang pagbabalik-showbiz, sa pamamagitan ng sitcom na "Happy ToGetHer" sa GMA Network.

Si Piolo naman ay napapanood sa seryeng Pamilya Sagrado.

Wish ng ilang netizens na sana raw ay mas alagaan pa ni John Lloyd ang kaniyang sarili. 

Sabi ng isang netizen, "Napanot na, si piolo gwapo parin."

"Being Ang artist or with an artist doesn’t excuse you johnlloyd to look that way.Sana kahit ganyan hichura nya sobrang says nya. Yung muka nya mukang bagong gising na ewan," saad pa ng isa. 

Photo courtesy: Screenshot from Fashion Pulis

Ang isang netizen naman ay natuwa sa pagiging malapit pa rin ng stars kay Mr. M na nagsilbing tatay-tatayan nila sa showbiz lalo na noong nasa ABS-CBN pa sila. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Piolo at John Lloyd patungkol sa pagkukumpara sa kanila ng netizens.