September 29, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pag-congrats ni Paulo kay Kim, pinusuan malala

Pag-congrats ni Paulo kay Kim, pinusuan malala

Kinakiligan ng KimPau fans at supporters ang pagbati ni Paulo Avelino sa kaniyang katambal na si Kim Chiu, matapos tanggapin ang "Oustanding Asian Star Award" sa 2024 Seould International Drama Awards na ginanap mismo sa South Korea nitong Setyembre 25.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, tinanggap na ang 'Outstanding Asian Star' award sa South Korea

"Beyond grateful to be recognized as the Most Outstanding Asian Star at the Seoul International Drama Awards 2024. Honored to represent the Philippines on this incredible stage! Thank you ABS-CBN, @starmagicphils, @dreamscapeph #Linlang family and to all my supporters," ani Kim. 

Sa comment section ng appreciation Instagram post ni Kim ay simpleng "Congratulations!" ang inilapag ni Paulo, na tinadtad naman ng heart reactions.

Tsika at Intriga

Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

Simpleng tugon naman dito ni Kimmy, "tenk yew [Thank you]."

Nagkagulo naman ang mga tagahanga ng dalawa.

"much awaited comment!"

"lezzzgooooo #KimPau!"

"omggggggggg ayoko na sa earth!!!!!"

"kanina ko pa hinihintay tooooo"

"ikaw talaga hinihintay namin mag reply"

"himlaaaaay nanaman malala!"

"ito ang comment na hinihintay ng lahat"

"May pagbati na po si Victor hahaha"

Si Kim ay ginawaran ng award dahil sa pagganap niya bilang "Juliana Lualhati" sa drama series na "Linlang" kung saan sila nagtambal ni Paulo.

Pagkatapos ng tagumpay ng serye ay nasundan pa ito ng PH adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" na originally ay South Korean series.

Dahil sa pumatok na tambalan ng dalawa ay may nakalinya na ring pelikula ang KimPau.

Malakas ang chemistry at pumatok sa madla, iniisip na rin ng fans na may secret relationship na ang dalawa lalo't single nakan daw sila pareho.