October 01, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kay KC? Netizens, curious kung kaninong daliri nakita sa video ni Mike Wuethrich

Kay KC? Netizens, curious kung kaninong daliri nakita sa video ni Mike Wuethrich
Photo courtesy: Mike Wuethrich (IG)/KC Concepcion (IG)

Umaasam ang mga netizen na kamay ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion ang nasilip sa video na makikita sa Instagram post ng Filipino-Swiss na si Mike Wuethrich.

Ibinida kasi ng napabalitang karelasyon ni KC ang endorsement niya ng isang relo habang nakasakay sa kotse at nagmamaneho.

Isang kamay ng babae na may red nail polish ang naispatang may itinuturo sa monitor ng kotse, na hinala ng mga netizen ay kay KC.

Inulan naman ng komento ang comment section at sinabi nilang sana raw, si KC nga ang kasama niya at hindi ibang babae.

Relasyon at Hiwalayan

'Upgrade malala?' Celeste Cortesi hinard launch bagong jowang afam

"I miss seeing you and KC together."

"I guess it's KC."

"Is that KC?"

"Hope it's KC"

Matatandaang noong Mayo ay inintrigang hiwalay na ang dalawa matapos umanong matuklasang naka-unfollow ang isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

MAKI-BALITA: KC Concepcion, hiwalay na kay Mike Wuethrich?

Huling namataang magkasama ang dalawa sa reunion concert ng mga magulang ni KC na sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na "Dear Heart" noong Oktubre 2023.

Bago papanhikin sa stage ay pabirong kinausap pa ni Shawie si Mike.

"Michael, take care of my baby," anang Megastar.

"Michael, dalawang panday ang nandito, sina Senator Bong (Revilla) at Coco (Martin)," hirit ng ina na ikinatawa naman ng audience.

MAKI-BALITA: Sharon may ‘banta’ sa afam na jowa ni KC

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si KC patungkol dito.