September 25, 2024

Home SHOWBIZ

Ria Atayde, ibinida favorite role ngayon ng mister na si Zanjoe Marudo

Ria Atayde, ibinida favorite role ngayon ng mister na si Zanjoe Marudo
Photo courtesy: La Belle Fete (IG) via Balita/Ria Atayde (IG)

Flinex ng Kapamilya actress na si Ria Atayde ang paboritong role daw ngayon ng mister na si Zanjoe Marudo, sa kaniyang Instagram story.

Kilala si Zanjoe bilang isa sa leading men ng Kapamilya Network, na ang huling proyekto ay revenge-drama series na "Dirty Linen" kasama sina Janine Gutierrez, Jennica Garcia, Christian Bables, at iba pa.

Ibinahagi ni Ria ang larawan ni Zanjoe habang karga ang bagong silang nilang anak.

"fave role of yours to date," caption dito ni Ria.

Pelikula

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan

Photo courtesy: Ria Atayde (IG)

Sa Facebook post ni Zanjoe noong Lunes ng gabi, Setyembre 23, makikita ang anunsiyo hinggil sa paglabas ng panganay nilang anak ni Ria.

"God’s grace that Zanjoe, Ria and Baby M were born on the 23rd day of the month ” saad sa caption ng post.

MAKI-BALITA: Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo

Bandang Hunyo nang pormal na inanunsyo ang pagdadalantao ni Ria. Ikinasal naman ang dalawa noong Marso.

MAKI-BALITA: Ria, kinumpirmang magiging tatay na si Zanjoe

MAKI-BALITA: Ria Atayde, Zanjoe Marudo ikinasal na!